^

Probinsiya

3 anak, biyenan minasaker ng tatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong magkakapatid at ang biyanang babae makaraang pagsasaksakin ng naburyong na tatay bago nag-suicide sa Sitio Manlayag, Barangay Panalipan sa bayan ng Catmon, Cebu kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mag-uutol na napatay ay sina Ste­phan­ne Nicole Figues, 6; nagdiriwang ng ika-6 na ka­arawan; John Eric Figues, 4; Erica Lynn Figues, 1; at ang lola ng magkakapatid na si Emilda Enad Molat, 47.

Samantala, nakaligtas naman ang biyanang lalaki na si Josepher Molat, 58.

Nag-suicide naman ang tatay ng mag-uutol na si Eric Figues, 27, matapos itong magsaksak sa sarili.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Vergilito Debulosan ng Catmon PNP, naghahanda ng pagkain ang mag-asawang Molat para sa ikaanim na kaarawan ng kanilang apo na si Ste­phanne nang biglang magwala at nagsisigaw si Eric sa kabilang bahay.

Napatakbo naman ang mag-asawang matanda sa bahay ng kanilang manugang na may tatlong metro lamang ang layo sa kanilang tahanan para usisain ang mga apo.

Dahil sa naka-lock ang pintuan ay pinilit na buksan kung saan unang pumasok ang biyenang babae su­balit sinalubong siya ng saksak ng kanyang manugang.

Nakailag naman ang biyenang lalaki sa pagkakasaksak ni Eric kung saan nagtatakbo palabas ng bahay para humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Bago pa makabalik sa bahay ang biyanang lalaki kasama ang ilang barangay tanod ay nadatnan nila ang manugang na duguang nakabulagta matapos itong magsaksak sa sarili at maging ang kanyang mga apo ay patay na rin

Wala naman ang misis ni Eric ng maganap ang krimen dahil nagtratrabaho ito sa Mactan Export Processing Zone sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na matinding selos ang nagtulak sa nasabing mister sa kaniyang misis para isagawa ang karumal-dumal na krimen habang patuloy ang masusing pagsisiyasat. Dagdag ulat ng Freeman News Service

vuukle comment

BARANGAY PANALIPAN

CAMP CRAME

CATMON

CEBU

EMILDA ENAD MOLAT

ERIC FIGUES

ERICA LYNN FIGUES

FREEMAN NEWS SERVICE

JOHN ERIC FIGUES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with