^

Probinsiya

Bus tumagilid: 4-katao patay, 31 sugatan

Ed Casulla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines -  Patay ang mag-utol na babae’t lalaki habang sugatan naman ang mga pasahero makaraang  tumagilid ang pampasaherong bus saka sumalpok sa pader ng bahay sa gilid ng highway sa Barangay Kimantong, ba­yan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Ryan Percival Abrigo, 8; Grace Ann Percival Abrigo, 4, Maria Georgina Abrigo, 7; at si Princess Dichoso, 26, 2-buwang buntis, mga nakatira sa Barangay Salvacion, bayan ng Pilar, Sorsogon. Naisugod naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang 31 pasahero na karamihan ay nasa malubhang nasugatan.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel Adan, hepe ng Daraga PNP, naganap ang trahedya pagsapit sa kurbada at pababang kalsada kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Rommel San Buenaventura ng Dondon Bus Liner na may temporary plate #052410.

Patungong Legazpi City, Albay mula sa Sorsogon ang nasabing bus nang tumagilid sa gilid ng kalsada habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY KIMANTONG

BARANGAY SALVACION

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

DARAGA

DONDON BUS LINER

GRACE ANN PERCIVAL ABRIGO

JOEL ADAN

MARIA GEORGINA ABRIGO

PATUNGONG LEGAZPI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with