Bagsik ng kamao, panadero utas
CAMARINES NORTE, Philippines — Kaliwa’t kanang suntok ang dumapo sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng isang panadero matapos na matalo sa pakikipagsuntukan sa kaniyang kaaway sa compound ng isang bakery sa Brgy. Camaligan, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Ruben Florentino na hindi na nagawa pang maisalba ni Dr. Felix Prado matapos itong isugod sa pagamutan.
Nahahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Ace Belza, 31 anyos, residente ng Brgy. Gocon Dungcal sa bayang ito.
Nabatid na kapwa empleyado ang dalawa sa Chengs Bakery nang muling magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan.
Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na humihimas na ng rehas na bakal. Francis Elevado
- Latest