19-anyos utas sa granada
CAVITE, Philippines – Patay ang 19-anyos na babae matapos masabugan ng granda na inihagis ng mga di-kilalang lalaki kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Halang, bayan ng Amadeo, Cavite. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Sumabog ang granada na inihagis ng riding-in-tandem sa bahay ng biktimang si Russel Almeria sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO1 Glenford Alcaraz, magkasamang natutulog ang biktima at kapatid na lalaki sa sala ng kanilang bahay nang sumabog ang granada. Naisugod pa sa Asian Medical Center subalit namatay din ang biktima habang ginagamot. Pinaniniwalaang may nakaaway ang isa sa miyembro ng pamilya ng biktima kaya naganap ang pagpapasabog.
- Latest