^

Probinsiya

Bus salpok sa kotse: 1 dedo

Cristina Go-Timbang Cavite - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Isa ang kumpirmadong patay habang ilang mga pasahero ang sugatan matapos ang sal­pukan ng isang pampasaherong bus at isang kotse habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo highway sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang driver ng kotseng Toyota Corolla na si Rizaldo Montoya, 53, ng Sikap Ville, Brgy. Sabutan, Silang, Ca­vite dahil sa matinding pagkadurog at sugat na inabot sa katawan.

Kasalukuyan namang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus na si Arnulfo G. Sidigo, 39, ng Blk 7, Lot 4 Yellowbell St., Perpetual Vill. 7, Brgy.Mambog, Bacoor Cavite, habang ginagamot sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga pasahero ng bus na hindi binanggit ang mga pangalan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Manaig, may hawak ng kaso alas-7:30 ng umaga habang buma­bagtas ang bus na may plakang UVE-717 na minamaneho ni Sidigo sa nasabing lugar at patungo ng north direction sakay ang kanyang mga pasahero, habang patungong south direction ang kotse (TJS-880) na minamaneho ng biktima.

Napag-alaman na sinakop umano ng biktima ang kabilang bahagi ng kalsada sa ‘di malamang dahilan kung kaya hindi na nakaiwas ang paparating na bus at tuluyang sumalpok sa sasakyan ng biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, paikot na nagpagulong-gulong ang kotse ng may ilang metro ang layo at naipit sa loob ang biktima. Nahirapan pa ang pulisya na alisin ang biktima sa loob ng nagkayupi-yupi niyang sasakyan bago naitakbo sa pagamutan. 

Nahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries and damage to property ang nasabing driver ng bus.

 

vuukle comment

ARNULFO G

BACOOR CAVITE

BRGY

PERPETUAL VILL

RIZALDO MONTOYA

RONALD MANAIG

SIDIGO

SIKAP VILLE

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with