^

Probinsiya

15-anyos na dalagita, ginilitan ng adik

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na dalagita matapos itong saksakin at tagain ay ginilitan pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga saka itinapon sa bakanteng lote sa farm lot sa Purok Tinago, Barangay New Alimodian sa bayan ng Matalam, North Cotabato noong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala ang biktima na si Jovelyn Queme ng Purok 3, Sitio Calura sa Barangay Minamaing sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, nagpaalam ang biktima sa nakatatandang kapatid na babae na may pupuntahan lamang sa kabilang ibayo noong Lunes ng Sept. 15.

Subalit hindi na ito nakauwi hanggang sa natagpuan na lamang ang bangkay nito sa liblib na damuhan ng farm lot.

Nabatid na ang biktima ay nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib, ginilitan pa at pinagtataga sa kanang leeg.

Isinailalim na sa masu­sing pagsusuri ang maselang bahagi ng katawan ng biktima kung hinalay ito bago pinatay.

vuukle comment

BARANGAY MINAMAING

BARANGAY NEW ALIMODIAN

BATAY

FROILAN GRAVIDEZ

JOVELYN QUEME

MATALAM

NORTH COTABATO

PUROK TINAGO

SITIO CALURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with