Van swak sa bangin: 10 sugatan
MANILA, Philippines - Sampu-katao na sinasabing magkakamag-anak ang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang van sa malalim na bangin sa gilid ng highway sa Barangay Tigbalag, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa mga malubhang nasugatan ay sina Ednalyn de Guzman, 21; at Gyneth Lustria habang ginagamot naman sa Doctors Hospital ang iba pa ng sugatang sina Celso Sedigo, 51; Thomas Seiton, 48; Jesus Seiton, 48; Nonito Seiton, 46; Gina Balunsay, 46; Elma De Guzman, 52; Josephine Lustria, 50; at si Arjan Seiton, 10. Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Mitsubishi Delica na patungong Zamboanga City mula sa Zamboanga Sibugay kaya bumaliktad at gumulong hanggang sa mahulog sa bangin.
- Latest