Lider ng NPA rebs, nalambat
MANILA, Philippines – Nalambat ng mga sundalo ng Phi. Army ang sinasabing lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Balboa, bayan ng Leganes, Iloilo kahapon ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong multiple murder with the use of explosive at multiple frustrated murder na inisyu ng Regional Trial Court sa Iloilo City, inaresto ang suspek na si Norberto “Marlon/Greg” Castor. Si Castor na may patong sa ulo na P2.3 milyong reward ay tumatayong deputy secretary ng NPA Central Front ng Komiteng Rehiyonal-Panay at lider ng NPA sa Western Visayas Region.
- Latest