^

Probinsiya

2 heavy equipments sinunog ng NPA rebels

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga pinaghihinalaang armadong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang heavy equipments ng isang construction company sa River Bank ng Brgy. Ariendo, Bongabon, Nueva Ecija,  kamakalawa.

Sa ulat ni Major Gen. Glorioso­ Miranda, Com­mander ng Army’s 7th Infantry Division, dakong alas-3:55 ng hapon ng maitala ang panununog ng mga rebelde sa mga heavy equipments ng ICR Construction sa na­sabing lugar.

Ang insidente ay inireport  ng negosyanteng si Israel Reguyal, may-ari ng ICR Construction sa him­pilan ng Army’s 703rd  Infantry Brigade sa Bongabon, Nueva Ecija.

Kabilang sa mga sinunog ng mga rebelde ay isang Komatzu WA 300 loader at TCM Michigan 75 B payloader na sinabotahe ng mga umatakeng rebelde sa quarry site.

Sa salaysay ni Reguyal, wala umanong nagawa ang kaniyang mga operator matapos na tutukan ng baril ng mga rebeldeng armado ng M-653 rifles at cal. 45  pistol kung saan agad binuhusan ng mga ito ng gasolina ang mga heavy equipments saka sinilaban.

Ang  mga rebelde ay mabilis na nagsitakas matapos sunugin ang naturang mga heavy equipments.

Ayon sa opisyal, pa­ngi­ngikil ng revolutionary tax ang motibo ng mga rebelde sa isinagawa ng mga itong panununog.

 

BONGABON

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

ISRAEL REGUYAL

MAJOR GEN

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with