GenSan blast: 9 sugatan
NORTH COTABATO, Philippines - Siyam-katao kabilang ang limang estudyante ang nasugatan makaraang sumabog ang itinanim na bomba ng mga di-kilalang lalaki sa harapan ng General Santos City Hall noong Martes ng gabi.
Patuloy na nagpapagaling sa Saint Elizabeth Hospital sina Christian Paul Amimong, 20; Jay Magnanao, 17, kapwa nakatira sa Brgy. City Heights habang nakalabas naman ng ospital kamakalawa ng gabi sina Sarah Arquiza, 18, ng Brgy. Labangal; Marlon Pahada, 23, ng Panay, Sto. Niño, South Cotabato; at si Joan Michelle Abranilla, 18, ng Lanzones St.
Nakalabas na rin sa General Santos City Hospital ang dalawang sugatan na sina James Ralph Abreo, 22; at Geraldine Ilon, 19.
Dalawa naman ang nirespondehan ng Philippine National Red Cross na kinilalang sina Andy Galapon, 19; at Shiela, 6.
Ayon kay Major Gen. Eduardo Año, Commander ng Army’s 10th Infantry Division(ID), naganap ang pagsabog dakong alas-7:45 ng gabi sa General Santos Park, may ilang metro ang layo sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.
Ayon kay Año, sinisilip ang anggulong terorismo sa naganap na pambobomba at posible rin kagagawan ng grupong nais magpapansin.
Sinabi naman ni P/Senior Supt. Froilan Quidilla, General Santos City PNP director, ang pagpapasabog ay naganap, tatlong araw matapos ang 16th Tuna Festival.
- Latest