Meeting niratrat: Kagawad dedo, 3 grabe
QUEZON, Philippines - Napatay ang isang barangay kagawad habang malubha naman mga kasamahang barangay chairman at dalawang kagawad matapos na ratratin ang kanilang pagpupulong sa Barangay Mapulot Hall sa bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napaslang na si Dante de la Ombra habang ginagamot naman sa Tagkawayan Municipal Hospital sina Chairman Rogelio Esmas, Kagawad Mosies Zaide, at si Kagawad Aron Pol Garcia. Base sa police report, nagpupulong ang mga biktima sa barangay hall nang pagbabarilin ng suspek na si Severino Zaide. Kaagad na tumakas ang gunman matapos isagawa ang pamamaril.
- Latest