^

Probinsiya

Mag-utol na pumatay sa doctor, tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang mag-utol na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang doctor makaraang masakote sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay Tanauan, bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa.

Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Lerio C. Castigador ng Naic Regional Trial Court Branch 15 sa Cavite, inaresto ang mga suspek na sina Ricky Santiago at Michael Santiago na kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa tala ng pulisya, ang mag-utol ay mga pangunahing suspek sa pagpatay kay Dr. Rolando Custodio kung saan inabandona sa kanyang Starex van noong Hulyo 28, 2014.

Sa masusing pagsisiyasat, lumilitaw na pinaghinalaan ng mag-utol na si Dr. Custodio ang pumatay sa kanilang utol na si Mark Anthony Santiago dahil ito ang pinakahuling kasama ni Mark nang mawala at kasalukuyang hindi pa nakikita.

Narekober sa mga suspek ang cal. 45 pistol, mga bala, kotse, at motorsiklo na pinaniniwalang ginamit ng magkapatid sa pagpatay sa nasabing doktor.

vuukle comment

BARANGAY TANAUAN

CAVITE

DR. CUSTODIO

DR. ROLANDO CUSTODIO

JUDGE LERIO C

MARK ANTHONY SANTIAGO

MICHAEL SANTIAGO

NAIC REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RICKY SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with