^

Probinsiya

P7-B shabu nasamsam: 4 Chinese timbog: Drug raid

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit P7 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad kasunod sa pagkakadakip sa apat na pinaghihinalaang Chinese big time drug trafficker sa isinagawang raid sa  laboratoryo at bodega ng mga ito sa San Fernando City, Pampanga nitong Biyernes.

Sinabi ni Chief Inspector Roque Merdeguia, PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF), sa bisa ng warrant of arrest ay magkakasunod na sinalakay ng kanilang mga operatiba katuwang ang PDEA ang laboratoryo at bodega ng shabu sa lungsod.

Nahuli sa akto sa loob ng laboratoryo sa Greenville Subdivision ang tatlong Chinese nationals na sina Jason Lee, Neri Tan at Willy Yap. Nakuha sa loob ng  laboratoryo sa truck at  Montero ng mga ito ang 185  kilo ng shabu at 925 namang kilo ng ephedrine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.

Samantalang nahuli naman sa Richtown Subdivision si Ying Ying Hiang, alyas Sophia Lee  na nakuhanan naman sa bodega  ng karagdagang humigit kumulang na 200 pang kilo ng shabu. Idinagdag pa ng opisyal na nakumpiska rin ang mga kagamitan sa pagmamanupaktura ng illegal na droga sa raid.

Nabatid na ang mga suspect ay pawang mula sa Xiamen, China na nag-o-operate sa bansa na base sa impormasyon ay mga miyembro ng big time ‘Chua drug syndicate’.

Sinabi ng opisyal na walang kamalay-malay ang mga residente sa pagmamanupaktura ng droga ng mga dayuhang suspek sa kanilang lugar.

Inihahanda na ang pagsasampa  ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000 ang mga nasakoteng drug trafficker na isinasailalim pa sa interogasyon ng mga awtoridad sa PNP-AID-SOTF sa Camp Crame.

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR ROQUE MERDEGUIA

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GREENVILLE SUBDIVISION

JASON LEE

NERI TAN

RICHTOWN SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with