Tawi-tawi niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
MANILA, Philippines – Tumama ang magnitude 5.1 na lindol Martes ng umaga sa lalawigan ng Tawi-Tawi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang sentro ng lindol sa 51 kilometro timog-silangan ng South Ubian ng Tawi-Tawi kaninang 8:26 ng umaga.
May lalim na 72 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 3 sa bayan ng Bongao, habang Intensity 1 naman sa Zamboanga City.
Nagbabala ang Phivolcs sa aftershocks na maaaring maranasan.
Wala namang naiulat na nasaktan sa pagyanig ng lupa
- Latest



















