Bodyguard ni Mayor Soriano, itinumba
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 49-anyos na close-in bodyguard ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Philippines-Japan Highway sa Barangay Maddarulug, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa ng madaling araw. ?
Ayon kay SPO3 Roque Binayug, napuruhan sa ulo ang biktimang si Gilbert Acierto, dating miyembro ng nabuwag ng Philippine Constabulary at close-in security escort ni Mayor Soriano.
Nabatid na pauwi ang biktimang nagmomotorsiklo patungo sa bayan sa Villaverde, Nueva Viscaya nang pagbabarilin pagkalagpas ng Buntun Bridge.
Matatandaan na pinatalsik ng Ombudsman si Mayor Soriano at ang City Administrator na si Ronald Brillantes matapos kasuhan ni Councilor Rosario Maila Ting-Cue kaugnay sa pagpapasara at pagpapaupa ng kalsada sa mga nagbabaratilyo noong 2013 kapistahan kahit walang pahintulot ang konseho.?
- Latest

















