^

Probinsiya

Mag-utol na paslit, hinalay at pinatay

Francis Elevado at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Karumal-dumal ang si­napit ng magkapatid na paslit na sinasabing hinalay saka pinatay ng adik at natagpuang lumulutang sa ilog  sa Brgy. Mandali, Mobo Masbate.

Kamakalawa lamang ng kilalanin ng kanilang mga magulang ang mga biktimang sina Rosemarie Raga, 8, grade 1 pupil at ang nakababatang kapatid na sina Rose Ann Raga, 5, kapwa residente ng Purok Acacia, Brgy Umabay Interior, Mobo Masbate.

Batay sa isinagawang post mortem examination ni Dr. Sheri R. Geñoso, medico legal officer luma­labas na pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang mga biktima at umano’y may malaking posibilidad na ginahasa pa ang mga ito bago ito pinaslang saka itinapon sa ilog ng Mobo.

Nauna nang natagpuang  nakalutang sa tabi ng ilog ang bangkay ng mga bata na noong una ay inakala lamang nalunod.

Maging ang mga opis­yal ng barangay kung saan natagpuan ang magkapatid at maging ang mga residente rito ay hindi kilala ang dalawang bata kaya kaagad nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa mga katabing barangay para sa pagkakakilanlan ng mga biktima.

Hanggang sa isang mi­sis ang nagtungo sa himpilan ng pulisya kasama ang mga kamag-anak kung saan iniulat ang pagkawala ng dalawa niyang anak. Nang tunguhin ang barangay, ay doon positibong kinilala ang mga biktima.

Malaki ang paniniwala ng kamag-anakan ng biktima na kagagawan ng mga suspek na lango sa droga ang karumaldumal na krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at ang pagkilala sa mga suspect.

vuukle comment

BATAY

BRGY UMABAY INTERIOR

DR. SHERI R

MOBO MASBATE

PUROK ACACIA

ROSE ANN RAGA

ROSEMARIE RAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with