^

Probinsiya

Lalaking dinukot ng pulis-Crame, pinatay

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 31-anyos na lalaki na sinasabing dinukot saka niratrat ng dalawang pulis sa tabi ng tulay noong Sabado ng umaga sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director ang biktima na si Raff Rufino Katigbak ng Manggahan Street sa Barangay Sabang, Lipa City.

Natagpuan ang bangkay ni Katigbak na may pitong tama ng bala ng baril sa tabi ng tulay sa Barangay Sto. Toribio noong Sabado ng umaga.

Sa police report, lumilitaw na sumugod ang mga kaanak ni Katigbak sa police station matapos lusubin ng dalawang armadong lalaki na naka-uniporme ng pulis noong Biyernes ng gabi kung saan inutusan silang magsidapa.

Ayon sa mga biktimang sina Rolando Katigbak, 26; Rey Katigbak, 24, at tatlong menor-de-edad na lalaki, nagdeklara ng raid ang dalawang pulis na nagpakila­lang miyembro ng Regional Special Operations Group (RSOG) sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.

Habang sinusuntok, sinisipa at pakainin pa ng powdered detergent ang ibang biktima, pinosasan na ng mga suspek si Raff Katigbak bago kinaladkad sa sasakyan na may plakang NDT-539.

“Merong hinahanap na tao ang dalawang pulis na isang Mio, pero noong hindi namin maituro, binugbog na kami at binuhusan pa ng malamig na tubig,” pahayag ng isang biktima.

Samantala, ayon naman kay Lipa City PNP public information officer P/Inspector Hazel Luma-Ang, naaresto na umano nila ang isa sa dalawang suspek pero hindi pa mapangalanan habang inihahanda pa ang pormal na demanda.

 “Ang suspek ay isang pulis na naka-assign sa Camp Crame at hindi sa RSOG dahil matagal nang na-dissolved ang unit na ‘yon,” ani Luma-Ang.

 

BARANGAY SABANG

BARANGAY STO

BATANGAS

CAMP CRAME

CAMP VICENTE LIM

INSPECTOR HAZEL LUMA-ANG

KATIGBAK

LIPA CITY

MANGGAHAN STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with