^

Probinsiya

8 arestado sa sextortion

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng walo-katao na sinasabing miyembro ng notoryus na grupong sextortionist  matapos masakote sa inilatag na operasyon ng pulisya sa San Jose Del Monte City at bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Ma. Cecilia Caparas-Regalachuelo, lider ng grupo; Rommel Manucon, Glen Bautista, Rachel Manucon, Mark Andrei Rafol, Jenny Espiritu, Brandy Espiritu, at si Mark Tabuzo na mga residente sa San Jose Del Monte City at Norzagaray habang pinaghahanap pa ang anak ng lider na si Marcel Jing Caparas-Regalachuelo.

Nasagip naman ang limang menor-de-edad na ginagamit ng mga suspek sa kanilang modus operandi na ang mga biktima ay mula sa ibang bansa.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Gilbert Sosa, director ng PNP-Anti Cybercrime Group, sinalakay ng pulisya ang mga bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamular ng Guimba Refgional Trial Court Branch 32 ng Nueva Ecija.

Nasamsam sa mga suspek ang 27 laptop, 53 desktops,14 cellphones, 4 router modem, iba’t ibang ATM cards,3 sasakyan, motorsiklo, cal. 45 pistol, P 67,640 cash, mga dokumento at pasaporte. 

vuukle comment

ANTI CYBERCRIME GROUP

BRANDY ESPIRITU

CECILIA CAPARAS-REGALACHUELO

GILBERT SOSA

GLEN BAUTISTA

GUIMBA REFGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JENNY ESPIRITU

JUDGE RAMON PAMULAR

MARCEL JING CAPARAS-REGALACHUELO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with