^

Probinsiya

Brodkaster binoga, kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malubhang  nasugatan ang 55-anyos na radio station manager/brodkaster ng DWIZ radio makaraang barilin ng di-kilalang salarin habang nakikipag-usap sa kanyang kumpare sa Dagupan City, Pangasinan noong Martes ng madaling araw.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Abrahano, Dagupan City police chief ang biktima na si Orly Navarro na nagtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

“As of now hindi pa natin ma-establish ‘yung baril na ginamit nakabaon pa ang bala sa kaniyang likod, he needs to undergo surgery, walang na-recover na empty shells sa crime scene as of now undergoing pa ‘yung investigation,” pahayag ni Abrahano.

Bandang alauna ng madaling araw nang barilin si  Navarro sa Crossing ng Kalye 29 at Nable Street sa Barangay Pantal West.

Nabatid na pauwi ang biktima nang makita  nito ang kaniyang kumpare kaya nakipag-usap muna  kung saan ilang minuto ang nakalipas  ay sumulpot ang gunman at binaril ito habang nakatalikod.

Mabilis namang tuma­kas ang gunman patungo sa direksyon ng Kalye 29 habang sinisilip naman ng pulisya ang walang puknat na pagbanat ng biktima sa operasyon ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, tatlong person of interest ang inim­bitahan sa himpilan ng pulisya upang mabigyang linaw ang pamamaril.  

ABRAHANO

BARANGAY PANTAL WEST

CHRISTOPHER ABRAHANO

DAGUPAN CITY

KALYE

NABLE STREET

ORLY NAVARRO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with