^

Probinsiya

Ama tinaga ng anak, patay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 63-anyos na ama matapos tagain sa leeg ng sariling anak na lalaki dahil sa paninita sa malakas na pagpapatugtog ng radyo kamakalawa ng gabi sa Barangay Ranao-Ranao, Ligao City, Albay.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang biktimang si Rogelio Racadag, magsasaka habang pinaghahanap naman ang suspek na si Randy Racadag, 35, binata, at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Base sa ulat ng pulisya, magkakasamang nag-iinuman ang mag-ama at ilang kaibigan sa bakuran ng kanilang bahay ng patugtugin ng suspek na sinasabing lango na sa alak ang kanilang radyo.

Gayon pa man, pinag­sabihin ng ama ang kanyang anak na medyo balansihen ang pagpapatugtog para hindi makabulahaw sa mga kapitbahay kung saan napahiya naman ang suspek sa harap ng kanyang mga kaibigan.

Kinuha ng suspek ang matalim na itak sa kusina ng bahay saka tinaga sa leeg ang sariling ama kung saan nagulantang ang mga kainuman sa nasaksihang krimen.

Wala namang pumigil na mga kainuman ng mag-ama sa tumakas na suspek habang patuloy ang imbestigasyon.  

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY RANAO-RANAO

GAYON

JOSEFINA BELMONTE DURAN MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

KINUHA

LIGAO CITY

RANDY RACADAG

ROGELIO RACADAG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with