^

Probinsiya

2 pinarangalan sa isinauling pera

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon , Philippines   ­—  Pinarangalan at binigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Lucena City ang isang tricycle driver at isang kawani ng shop sa mall dahil sa pagiging matapat matapos isauli ang perang kanilang napulot. Personal na iniabot kahapon ni Lucena City Mayor Roderick Alcala ang plake kina Joel Zoleta, tricycle driver ng Barangay Dalahican; at Robinson Felipe, kawani ng Shawarma sa SM Mall. Ayon kay Zoleta, napulot niya sa loob ng minamanehong trike ang isang bag na sinasabing naiwan ng pasahero. Itinurn-over naman ni Zoleta sa himpilan ng pulisya ang bag na nagla­laman ng  P12,000 cash, ATM, at IDs na pagmamay-ari ni Grace Cusi. Ang pera ay gagamitin sa pambayad sa ospital ng 81-anyos na ama ni Cusi kaya gayun na lamang ang katuwaan nang mapabalik ang bag. Samantala, naglalakad naman sa parking area ng mall si Felipe nang mapulot ang bag ni Henlin Castillo na nag­lalaman ng P65,000 cash, laptop at cellphone. Bukod sa plake, pinagkalooban din ng tig-P3,000 cash ang dalawa.

 

AYON

BARANGAY DALAHICAN

GRACE CUSI

HENLIN CASTILLO

JOEL ZOLETA

LUCENA CITY

LUCENA CITY MAYOR RODERICK ALCALA

ROBINSON FELIPE

ZOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with