Naaagnas na bangkay nalambat
Batangas, Philippines — Nagulantang ang mga residente matapos na isang nagsisimula ng maagnas na bangkay na nakagapos pa ng kable sa paa, leeg at mga kamay ang natagpuan sa lawa ng Tanauan City ng lalawigan kamakalawa.
Sa ulat ng pulisya, ang nasabing bangkay na inaalam pa ang pagkakakilanlan ay may taas na 5’6’’ at tinatayang nasa pagitan ng 30-35 taong gulang.
Nakasuot ang biktima ng kulay itim na t-shirt, kulay kayumanggi at maroon na boxer short.
Bandang alas-6 ng umaga nang malambat ng mangingisdang si Romel Adan ang nasabing bangkay habang nangingisda ito sa nasabing lawa.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
- Latest