^

Probinsiya

Mag-amo itinumba ng pulis

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - — Bulagta ang 35-anyos na negosyante at tauhan nitong sekyu ma­tapos pagbabarilin ng isang pulis sa harapan ng beerhouse sa La Trinidad, Benguet kamakalawa ng gabi. ?

Kinilala ang mag-among napatay na sina Cesar Degay, may-ari ng bar; at Sonny Casoang Awingan, 28, security guard ni Degay sa beerhouse.

Sugatan naman ang bystander na si Raymar Casindo Copis makaraang tamaan ng ligaw na bala.

Pormal namang kina­suhan ang suspek na si PO3 Frenzel Mendoza, 29, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa La Trinidad.

Base sa police report, lumilitaw na lumabas sa pag-aaring beerhouse si Degay para mamagitan sa naganap na rambulan nang ratratin ng suspek na sinasabing lango sa alak.

Samantala, pinagbabaril din si Awingan matapos itong sumunod sa kanyang amo sa labas ng beerhouse.

Gayon pa man, tinangkang tumakas ni PO3 Mendoza subalit nasukol ng kanyang mga kabaro.

AWINGAN

BENGUET

BULAGTA

CESAR DEGAY

DEGAY

FRENZEL MENDOZA

GAYON

LA TRINIDAD

RAYMAR CASINDO COPIS

SONNY CASOANG AWINGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with