6-anyos ni-rape ng tiyuhin
MANILA, Philippines - Minolestiya ang 6-anyos na babae sa harapan ng nakababata nitong kapatid ng sariling tiyuhin sa Barangay Patalon, Zamboanga City kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Hussin Salih, 28, habang isinailalim naman sa medical examination ang biktima. Sa ulat na nakarating kay P/Inspector Dahlan Samuddin, spokesman ng Police Regional Office 9, minolestiya ng suspek ang biktima sa silid ng kanilang bahay kung saan nasaksihan mismo ng nakababata nitong kapatid na babae na naipaabot naman sa kanilang ina. Agad namang inusisa at ininspeksyon ng ina ang bata kung saan namamaga ang ari at halos ’di-makalakad. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.
- Latest


















