^

Probinsiya

Masungit na amo, kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sinasabing ang pagiging masungit ng negosyanteng Tsino kaya pinagtulungang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kanyang tatlong tauhan sa Barangay Busilac, bayan ng Bayombong, Nueva Viscaya kamakalawa.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Wilfredo Velayo, hepe ng Bayombong PNP, ang biktima na si Cheng Wang Ding na natagpuang tadtad ng saksak sa kanyang silid.?

Nabatid na tatlo-katao na mga tauhan sa piggery ng biktima ang nakitang pumasok sa bahay malapit sa piggery ng biktima batay na rin sa nakuhang CCTV camera footage.?

Naisampa na ang kaso laban sa tatlong suspek subalit tumanggi munang ibigay ni Velayo ang pagkakakilanlan habang hinihintay ang paglabas ng warrant of arrest.?

Isinantabi ng pulisya ang anggulong pagnanakaw dahil hindi naman ginalaw ang pera at mamahaling cell phone ng biktima.

Gayon pa man, nabatid ng pulisya na nag-ugat ang pamamaslang dahil sa sinasabing kasungitan ng biktima sa kanyang mga tauhan sa piggery.

vuukle comment

BARANGAY BUSILAC

BAYOMBONG

CHENG WANG DING

CHIEF INSP

GAYON

ISINANTABI

KINILALA

NABATID

NUEVA VISCAYA

WILFREDO VELAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with