^

Probinsiya

NPA secretary timbog sa Neg Occ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote sa isang checkpoint ang isang miyembro ng New People's Army sa lalawigan ng Negros Occidental nitong Julyo 20, 2014.

Nakilala ang suspek na si Abraham Villanueva, 51, alyas Tikboy na residente ng Barangay Poblacion Valladolid, Negros Occidental.

Naharang si Villanueva sa checkpoint ng mga taga Ilog Municipal Police sa Barangay Dancalan sa bayan ng Ilog.

Napag-alamanang tumatayong sekretarya ng South West Front ng Komiteng Rehiyonal Negros ng Communist Party of the Philippines-NPA ang suspek.

May nakalabas na arrest warrant laban sa suspek para sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1613 (Amending the Law on Arson) na inilabas ng Regional Trial Court 6th Judicial Region, San Carlos City, Negros Occidental.

Nabawi mula sa suspek ang isang Samsung na laptop, Liteon DVD Rewritable Drve, AM/FM radio, flashlight, battery charger, at iba't ibang papeles.

Nasamsam naman sa kasama ni Villanueva na si Wilmar Mullon ang isang patalim na siyam na pulgada ang haba.

Kasalukuyang nasa kustodiy ng mga pulis ang dalawang suspek.

ABRAHAM VILLANUEVA

AMENDING THE LAW

BARANGAY DANCALAN

BARANGAY POBLACION VALLADOLID

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

ILOG MUNICIPAL POLICE

JUDICIAL REGION

KOMITENG REHIYONAL NEGROS

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with