^

Probinsiya

Mag-iina pisak sa gumuhong pader

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - - Hindi na na­gising sa mahimbing na pagtulog ang 48-anyos na ina at kanyang dalawang anak matapos mabagsakan ng pader ang kanilang bahay sa Barangay Market View, Lucena City, Quezon sa pana­nalasa ng bagyong Glenda kahapon ng madaling araw.

Nahirapan pa ang mga rescue team bago naialis sa matinding pagkakaipit ang nanay na si Nenita Artifico, at mga anak na sina Arlene Artifico, at Adrian Artifico, 8.

Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), magkakasamang natutulog ang mag-iina sa kanilang bahay na gawa sa mga light materials nang bumuhos ang malakas na ulan dulot ng bagyong Glenda.

Pinaniniwalaang lumambot ang lupang kinatitirikan ng pader kaya bumagsak sa bahay ng mag-iina na nasa likurang bahagi.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay balot ng kadiliman ang lalawigan ng Quezon at sinasabing aabutin ng ilang araw bago bumalik sa normal ang operasyon ng kuryente dahil sa natumba ang pitong tower ng National Grid Corporation.

Tinatayang aabot sa 120,000 pamilya sa Quezon na mga naninirahan sa mga coastal areas ang  naapektuhan ng bagyo.

vuukle comment

ADRIAN ARTIFICO

ARLENE ARTIFICO

BARANGAY MARKET VIEW

CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

GLENDA

LUCENA CITY

NATIONAL GRID CORPORATION

NENITA ARTIFICO

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with