^

Probinsiya

Rookie cop inutas ng titser na misis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matin­ding selos kaya pinagbabaril at napatay ang 36-anyos na bagitong pulis ng kanyang titser na misis sa boarding house kamakalawa ng tanghali sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Naisugod sa Zam­boanga del Norte Coo­perative Hospital subalit idi­neklarang patay si PO1 Rustom Redoble dahil sa mga tama ng bala sa dibdib mula sa sariling baril na cal 9mm pistol.

Arestado naman at nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Maricel Gorrero Redoble, 33, guro sa Katipunan National High School sa bayan ng Katipunan.

Sa ulat na nakarating ay P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, naganap ang insidente sa loob ng Mirasol Pilapil Salaveria Boarding House na tinutuluyan ng suspek sa panulukan ng del Pilar at Bonifacio Street sa Barangay Estaka.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo sa boarding house ng kaniyang misis ang biktima kung saan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa.

Gayon pa man, habang namamahinga ang biktima sa kama ay biglang kinuha ng misis nito ang baril at pinaputukan ng sunud-sunod ang una.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang baril na ginamit sa krimen at mga basyo ng bala. 

Si PO1 Redoble ng Purok 4, Sta  Isabel ay nakatalaga sa himpilan ng Dipolog City PNP.

 

vuukle comment

BARANGAY ESTAKA

BONIFACIO STREET

DIPOLOG CITY

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

KATIPUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MARICEL GORRERO REDOBLE

MIRASOL PILAPIL SALAVERIA BOARDING HOUSE

NORTE COO

RUSTOM REDOBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with