^

Probinsiya

10 tiklo sa illegal fishing

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines    -  Kalaboso ang sampung kalalakihan makaraang arestuhin ng mga awtoridad sa kasong illegal fishing sa karagatang sakop ng Bantayan Island, Cebu noong Huwebes ng umaga (Hulyo 10). Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek na sina Nelson Bawasanta, 36, boat captain; Ricky Forrosuelo, 40; Rodulfo Pacilan, 35; Arnel Abiner, 22; Joven Aguisanda, 31; Ariel Tiguelo, 19; Rolando Deliosa, 22; Julian Etan, 23; Danilo Andic, 19; at si Ramel Tiquelo, 20, pawang nakatira sa Sagay City,  Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek na lulan ng F/B Tristian Mar na sinasabing pag-aari ni Merly Awits ay naaktuhang nangingisda sa nasabing karagatan.

Sa pahayag ni P/Senor Insp. Jayme Santillan ng Bantayan PNP, pinapayagan namang mangisda ang grupo sa karagatang sakop ng Negros at Masbate pero ipinagbaba­wal sa karagatan ng Bantayan.

Narekober ng grupo nina PO1 Jay Desucatan ng Bureau of Fisheries at Marlon Marande ng Department of Agriculture ang 30 tubs na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda.

Ipinamahagi naman ang mga isdang nasamsam sa charitable institutions.

Nahaharap naman ang mga mangingisda sa kasong paglabag  sa Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998).

ARIEL TIGUELO

ARNEL ABINER

B TRISTIAN MAR

BANTAYAN ISLAND

BUREAU OF FISHERIES

DANILO ANDIC

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

JAY DESUCATAN

JAYME SANTILLAN

JOVEN AGUISANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with