P2-M shabu nasamsam: 2 timbog
CAMARINES NORTE, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng Regional Special Operation Group at ng lokal na pulisya ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng droga sa lalawigan ng Camarines Norte makaraang mahuli sa akto ang kanilang iligal na transaksyon sa Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.
Pinangunahan in P/Supt. Geoffrey Fernandez ang isinagawang entrapment operation matapos ang ilang araw na pagsubaybay sa mga suspek na kinilalang sina Alvin Caparanga, 30, at Ferdie Copas, 40, habang mabilis namang nakatakas ang kasamahang babae ni Caparanga.
Nabatid na naganap ang bentahan ng droga sa Camara Eatery dakong alas-6:20 ng gabi. Nakumpiska ng mga awtoridad ang umaabot sa 300 gramo ng shabu na umaabot sa P2 milyon, isang motorsiklong kawasaki boxer CT 150 na walang plaka, P6,500 cash at dalawang cellphone na gamit sa ilegal na gawain.
Napag alaman na isang impormasyon ang natanggap ng mga awtoridad na magkakaroon ng malakihang bentahan ng droga sa nasabing lugar kung saan inihanda ng pulisya ang operasyon.
- Latest