^

Probinsiya

Ulo ng sanggol biyak sa taga ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang 1 buwang sanggol na lalaki ng biyakin ang ulo nito ng kaniyang amang umano’y may diperensya sa pag-iisip habang malubha namang nasugatan ang kaniyang ina sa Brgy. I.S. Cruz, Jasaan, Misamis Oriental, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni  Senior  Ins­pector Esperidion Biado III, hepe ng Jasaan Police ang nasawing biktima na si Kian James Labadan, sanhi ng tinamong   2 malalim na taga sa kaniyang ulo.

Patuloy namang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center ang ina nitong si Yvonette Labadan, 38, na nagtamo ng mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nakilala naman ang mister na suspek na si Isidro Labadan, 40, na napatay ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya matapos na magpaputok ng baril gamit ang isang homemade shotgun at cal. 38 caliber pistol.

Sinabi ni Biado, naganap ang malagim na krimen sa tahanan ng mag-asawang Labadan sa nasabing lugar dakong alas-9:50 ng umaga.

Samantalang masu­werte namang nakaligtas ang kakambal ng sanggol matapos itong maitago ng sugatang ginang.

Sa imbestigasyon, sinabi ng opisyal na bago ang karumaldumal na krimen ay may ilang araw ng tila nagdidiliryo at naghahalusinasyon ang suspek na sinasabing nakakakita siya ng kapre, aswang at kung anu-ano pang masamang espiritu habang may nagbubulong din umano ritong papatayin siya.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naganap na krimen

 

vuukle comment

ESPERIDION BIADO

ISIDRO LABADAN

JASAAN POLICE

KIAN JAMES LABADAN

MISAMIS ORIENTAL

NORTHERN MINDANAO MEDICAL CENTER

PATULOY

YVONETTE LABADAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with