^

Probinsiya

Desperado sinunog ang sarili

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines   – Posibleng may matinding problema ang 47-anyos na magsasaka kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos sunugin ang kanyang sarili sa Barangay Napo, Carcar City, Cebu kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roger Gemuta kung saan ginamit sa panununog sa kanyang sarili ang mga tuyong dahon ng niyog at talahib. Ayon kay PO2 Allan Villasorda ng Carcar PNP, huling namataang buhay ang biktima na nag-iisang  nagtungo sa kanyang palayan sa Upper Taclod para pakainin ang alagang kambing. Nag-alala ang mga kaanak ng biktima dahil sa kumakalat na ang dilim ay hindi pa ito umuuwi kaya sinundo ng kanyang pamangking si Jonathan Genandoy noong Sabado. Dito namataan ni Genandoy ang kanyang tiyuhin na sinilaban ang mga nakapaligid na talahib at dahon ng niyog sa katawan. Nabigo namang maisalba ang biktima.

vuukle comment

ALLAN VILLASORDA

AYON

BARANGAY NAPO

CARCAR

CARCAR CITY

CEBU

DITO

JONATHAN GENANDOY

ROGER GEMUTA

UPPER TACLOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with