Drug adik, nilikida
CEBU CITY , Philippines – Napaslang ang 41-anyos na drug adik matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sambag II, Cebu City, Cebu kamakalawa. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Samuel “Samboy” Amance nang matagpuan ng kanyang utol na lalaki bandang alas-6 ng umaga. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, natagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang bahay. Ayon sa ilang kapitbahay, dalawang di-kilalang lalaki ang lumabas mula sa bahay ng biktima matapos umalingawngaw ang serye ng putok ng baril. Sa pahayag ni SP04 Rey Cuyos ng Homicide Section, natagpuan sa bahay ng biktima ang empty plastic sachets na sinasabing naglalaman ng shabu at isang tooter. Sa impormasyon nakalap ng pulisya mula sa ilang kapitbahay at sa utol nitong si Danilo na ang biktima ay isang drug adik at ginagawang drug den ang kanyang bahay.
- Latest

















