Dalaga kinidnap, ni-rape
CAVITE , Philippines – Masaklap na kapalaran ang dinanas ng 36-anyos na dalaga matapos itong dukutin ay dalawang ulit pa itong hinalay ng lineman kamakalawa ng gabi sa Barangay Daine 2, bayan ng Indang, Cavite. Pormal na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Judy ng Mendez, Cavite upang ireklamo ang suspek na si Gregorio Dimaranan, 49, ng Barangay Asis 3 sa bayan ng Mendez, Cavite. Sa ulat ni P01 Aileen Gonzales, lumilitaw na dinukot ng suspek ang biktima sa harap ng simbahan noong Hulyo 4 kung saan dalawang ulit na ni-rape sa Barangay Daine sa bayan ng Indang at sa bayan ng Magallanes. Nakatakas naman ang biktima kaya naipaabot sa pulisya ang naganap na krimen.
- Latest

















