^

Probinsiya

Shootout: Lider ng KFR, 1 pa dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pagiging notoryus na lider ng kidnap- for -ransom group at tauhan nito makaraang mapatay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa naganap na shootout sa Barangay San Roque, bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte kamakalawa. Sa ulat ni Capt. Franco Suelto, spokesman ng 1st  Infantry Division ng Phil. Army, kinilala ang dalawa na sina Jaojin Salam, lider ng KFR; at Abdullah Emeron. Ayon sa ulat, isisilbi sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ng hukuman sa mga kasong kriminal nang sumiklab ang bakbakan matapos manlaban ang dalawa. Sa tala ng pulisya, si Salam ay kabilang sa dumukot  sa tatlong crew ng M/T Marino na pag-aari ng Cebu Tug at Barge Inc. noong November 29, 2009 sa bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte, pagdukot kay Donald Capili, anak ng Tsinoy trader noong August 27, 2009; at pangunahing suspek sa pagdukot kay Olivia Barredo Angeleson noong May 3, 2001 sa Barangay Labuan, Zamboanga City. Narekober sa dalawa ang M14 Armalite rifle na may 13 magazine at assorted na bala.

 

ABDULLAH EMERON

BARANGAY LABUAN

BARANGAY SAN ROQUE

BARGE INC

CEBU TUG

DONALD CAPILI

FRANCO SUELTO

INFANTRY DIVISION

JAOJIN SALAM

NORTE

OLIVIA BARREDO ANGELESON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with