^

Probinsiya

Shootout: Pulis, ex-kagawad dedo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Dalawa-katao kabilang ang isang pulis ang napatay habang kritikal naman ang isa pa sa naganap na shootout sa Barangay Nagbukel, bayan ng San Isidro, Isabela noong Huwebes ng gabi.?

Kinilala ni Isabela PNP director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., ang mga napatay na sina Emelito Da Jose, 47, dating barangay kagawad na sinasabing kawani ng munisipyo; at SP01 Dominador Ponce Jr. 37, habang kritikal namang ginagamot si SPO4 Dioscoro Ruiz.? Lumalabas sa imbestigasyon na rumes­ponde ang dalawang pulis sa pagwawala at pamamaril ni Emelito sa kanilang barangay.

Gayon pa man, habang sinusuri ng dalawang pulis ang mga tama ng bala sa dinding ng bahay ay biglang sumulpot si Emelito at nagsimulang mamaril kung saan tinamaan sa mukha si SPO1 Ponce habang sa dibdib naman si SPO4 Ruiz. Nabaril at napatay naman ni SPO4 Ruiz si Emelito bago siya nawalan ng ulirat. Narekober sa crime scene ang isang cal. 45 pistol na ginamit ni Emelito.

vuukle comment

BARANGAY NAGBUKEL

DIOSCORO RUIZ

DOMINADOR PONCE JR.

EMELITO

EMELITO DA JOSE

ISABELA

RUIZ

SAN ISIDRO

SENIOR SUPT

SOTERO RAMOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with