^

Probinsiya

Minero kinatay ng kabaro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang agawan sa treasure hunting ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang 40-anyos na minero ng kanyang kabarong minero sa Barangay Cansayong, bayan ng Malimono, Surigao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Romaldo Bayting, spokesman ng Caraga PNP ang biktima na si  Louie Domingo ng Barangay Buhangin, Davao City.

Ang biktima ay nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at leeg bukod pa sa mga pasa sa matitinding hampas ng dos-por-dos na kahoy sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Felix Pabo­nita, 58, isa ring minero ng Nabunturan, Compostela Valley.

Isinurender ng  suspek ang itak at kahoy na ginamit sa krimen  at ang cal. 45 pistol na pag-aari ng biktima na inunahan lamang niya.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen na pinagmiminahan ng dalawang minero sa Purok 1 kung saan nagkainitan ang suspek at ang biktima dahil sa mahuhukay sa treasure na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pag-aaway ay bigla na lamang pinagtataga ng suspek ang biktima na hindi pa nakuntento ay pinagpapalo pa ito ng dos-por-dos.

 

vuukle comment

BARANGAY BUHANGIN

BARANGAY CANSAYONG

CARAGA

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO CITY

FELIX PABO

ISINURENDER

LOUIE DOMINGO

ROMALDO BAYTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with