^

Probinsiya

Lolo kumalas sa kalaguyo, itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ Napatay ang 69-anyos na lolo matapos ratratin ng karelasyon ng kanyang kinakasamang babae sa Sitio Imbong, Brgy. Lam Apos sa bayan ng Banga, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Eduardo Mag­hari Nobleza ng Barangay Lamsugod, Surallah habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jerson Malayang Kendo, 29, B’laan Tribe at nakatira sa Brgy. Datal Blao, bayan ng Colombio, Sultan Kudarat.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa tanggapan ng Lupong Tagapamayapa kasama ang kanyang ka-live-in na si Jovelyn Banday para ayusin ang settlement case sa paghihiwalay ng dalawa.

Ang nasabing settlement case ay may kaugnayan sa pakikipaghiwalay ng biktima kay Banday kung saan iba­balik ng pamilya ng babae ang dowry na P6,000.

Matapos ang settlement, lumabas na ang biktima ng Sitio Hall kung saan inakbayan naman ng suspek habang tinututukan ng baril.

Habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada ay binaril ito ng ilang beses hanggang sa mapatay ng suspek.

Nabatid na karelasyon ng suspek ang ka-live-in ng biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY LAMSUGOD

BRGY

DATAL BLAO

EDUARDO MAG

JERSON MALAYANG KENDO

JOVELYN BANDAY

LAM APOS

LUPONG TAGAPAMAYAPA

SITIO HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with