^

Probinsiya

Manager dedo sa ambush

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ Pinabulagta ang manager ng lokal na sangay ng Pepsi Cola Company makaraang pagbabarilin ng  riding-in-tandem gunmen sa Purok San Roque, Brgy. Labangal sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya  ang biktima na si Rey Carba na naka-assign sa bayan ng Tacurong, Sultan Kudarat at dumalo lamang sa pagpupulong ng kanilang kompanya sa nasabing lungsod.

Wasak ang salamin ng driver’s side kung saan naka-seat belt pa ang duguang biktima at umaandar pa ang makina ng kotse nang madatnan ng mga operatiba ng pulisya.

Ayon sa mga nakasaksi sa pananambang, kulay pulang motorsiklo na lulan ang dalawang di-kilalang lalaki rumatrat sa Toyota Vios ng biktima pagsapit sa na­sabing lugar.

Sinasabing nag-remit umano ng malaking ha­laga ang biktima sa kanilang planta sa Purok San Roque kasama ang kanyang asawa bago naghiwalay ang mga ito dahil unang umuwi ang babae gamit ang sariling kotse.

Narekober sa crime scene ang 10 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang pa­tuloy naman ang imbes­tigasyon.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

GENERAL SANTOS CITY

PEPSI COLA COMPANY

PUROK SAN ROQUE

REY CARBA

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with