Bangka patungong paaralan tumaob; 6 mag-aaral ligtas
MANILA, Philippines - Anim na estudyante ang nailigtas ng mga tauhan ng Bantay Dagat nitong Miyerkules matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka karagatan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.
Papasok sa eskuwelahan sa Barangay Matuber ang mga bata nang tumaob ang sinasakyan nilang pumpboat matapos hampasin ng malalakas na alon.
Nakilala ang mga bata na sina Amraida Ali, Asmia Ayunan, Raida Daud, Vivian Akmad, Sara Bagarian at Jehad Guianalan.
Nagpasalamat naman kaagad si ARMM Education Secretary Jamar Kulayan sa mga miyembro ng Bantay Dagat, na pawang residente rin ng naturang barangay.
Ayon kay Kulayan, pipilitin nilang magtayo ng mas maraming paaralan sa mga coastal towns sa Maguindanao upang maiwasang may maulit na parehong insidente.
- Latest