Human flag tampok sa 116th Independence Day
LIPA CITY, Batangas , Philippines – Umaabot sa 5,000 estudyante ng Batangas ang lumahok para bumuo ng human flag sa Fernando Airbase bilang tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-116th Independence Day kahapon.
Pawang nakasuot ng pula, puti, asul at dilaw na t-shirt ang mga estudyante na nagmula sa ibat-ibang paraalan sa Lipa City at karatig bayan, humanay ang mga ito sa gitna ng grandstand grounds para mabuo ang human flag na may sukat na 50-feet by 100-feet.
May temang “Kalayaan: Pagsunod sa Yapak ng mga Dakilang Pilipino, Tungo sa Malawakan at Permanenteng Pagbabago†ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Philippine Air Force-Air Education and Training Command (AETC) at Batangas Provincial Government sa pamumuno nina Maj.Gen. Raul Dimatatac at Governor Vilma Santos-Recto.
Nagsimula ang okasyon bandang alas-6 ng umaga kung saan pumarada ang iba’t-ibang floats na naglalaÂrawan ng mga kaganapan at kabayanihan sa ating bansa mula sa panahon ng KKK revolutionary era, Jose Rizal era, Bataan Death March hanggang sa Edsa revolution.
Kasama ni Gov. Santos-Recto sa selebrasyon sina Vice-Governor Mark Leviste, Rep. Mark Lendro Mendoza, AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, DepEd officials, national at local agency heads at mga provincial government department heads.
Itinampok din sa natuÂrang okasyon ang paglipad ng anim na SF-260 trainer plane sa ibabaw ng grandstand habang nagbubuga ng makukulay na usok at mga confetti.
Sinundan din ito ng exhibition jump mula sa mga paratroopers ng 505th Search and Rescue units ng Philippine Air Force.
Sa kanyang mensahe, pinahalagahan ni Gov. Vi ang kadakilaang naiambag ng mga Batanguenong bayani tulad nila Apolinario Mabini, Marcela Agoncillo, Felipe Agoncillo, Jose Diokno, Jose P. Laurel, Miguel Malvar at Claro M. Recto para makamit ang kasarinlan.
- Latest