^

Probinsiya

3 suspek sa pagpatay sa ex-commissioner, tiklo

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - –  Arestado ang tatlong kalalakihan kabilang na ang dalawang pulis na itinuturong responsable sa pagpatay kay ex-insurance commissioner Eduardo Malinis sa inilatag na ope­rasyon sa pantalan ng Batangas City, Batangas, ayon sa ulat kahapon

Kinilala ni Cavite PNP director P/Senior Supt. Joselito Esquivel ang mga suspek na sina Alfredo Bautista ng Imus City, Cavite; Arlan Aguilar ng San Mateo, Rizal; at si Telesforo Aguilar ng Bacoor City, Cavite.

Natiyempuhan ang tatlo habang sakay ng gray Toyota Hi-Ace van na patungong Puerto Galera sakay sana ng isang Ro-Ro vessel.

Sa interogasyon, sina Bautista at Arlan ay nagpakilalang mga pulis na nakatalaga sa Camp Crame habang si Teleforo naman ay nagpakilalang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-CIDG.

Gayon pa man, sa beripikasyon ng pulisya, sina Bautista at Arlan ay mga AWOL sa serbisyo habang si Aguilar naman ay pekeng CIDG.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulis para malaman kung may kinalaman ang tatlo sa pagpatay kay Malinis.

“Narekober sa mga suspek ang sasakyang ginamit na get-away noong napatay si Malinis, doon tayo mag-uumpisa sa ating gagawing imbestigasyon,” pahayag ni Esquivel

Mahaharap sa kasong usurpation of authority ang tatlo habang kasong illegal possession of firearms naman ang kakaharapin ni Bautista matapos masamsam sa kanya ang Beretta 9mm pistol at 14-bala.

ALFREDO BAUTISTA

ARLAN

ARLAN AGUILAR

BACOOR CITY

BATANGAS CITY

BAUTISTA

CAMP CRAME

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDUARDO MALINIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with