^

Probinsiya

Misis, 5 anak hinostage

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinostage ng isang mister na umano’y lulong sa droga ang misis nito at limang  mga anak sa naganap na mahigit 8 oras na hostage drama sa Danao City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Danao City Police, bandang  alas-11 ng gabi nitong Huwebes nang mag-umpisa ang pagho-hostage ng suspek na si Eduardo Durano, 50 anyos sa kaniyang mag-iina at nagwakas dakong alas-8:20 ng umaga kahapon.

Ayon sa imbestigasyon, hinahabol ng mga operatiba ng pulisya si Durano nang magdala ito ng baril sa downtown kung saan nagtatakbo ito at nagtago  sa kanilang tahanan sa Brgy. Tabok at hinostage nito ang kaniyang misis saka limang anak na nagkakaedad 12 hanggang 21 anyos  gamit ang cal. 45 pistol.

Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa bahay ni Durano at habang isinasagawa ang negosasyon ay pinawalan nito ang kaniyang misis at dalawang anak na nagkakaedad 21 at 18 anyos.

Matapos  ang ilang oras na negosasyon ay napahinuhod din ang suspek na sumuko sa pulisya at pawalan ang kaniyang mga hostage. Nasamsam mula sa  behikulo ng suspek ang isang rifle grenade, drug paraphernalia at ilang sachet ng shabu.

vuukle comment

AYON

BRGY

CEBU

DANAO CITY

DANAO CITY POLICE

DURANO

EDUARDO DURANO

HINOSTAGE

HUWEBES

MATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with