^

Probinsiya

Foreman, 1 pa kinidnap ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng tinatayang 15 armadong kalalakihan na pinaghihinalaang  miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang foreman at kasama nito sa panibagong insidente ng kidnapping sa bayan ng Indanan, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang panibagong mga bihag na si Remigio Linga­yan alyas Jingjong, nasa hustong gulang, foreman at Joselito Gonzales,  isang obrero; pawang taga Zamboanga City.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pagdukot sa mga biktima sa bisinidad ng Sitio Baunoh, sa hangganan ng Brgy. Timbangan at Brgy. Kan Islam ng bayang ito dakong alas-8:10 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng Tamaraw jeepney ang mga biktima galing sa bayan ng Maimbung patungong Jolo nang harangin ng mga armadong kidnapper pagsapit sa lugar.

Agad na tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga biktima saka kinomander ang Tamaraw jeepney ng mga ito patungo sa hindi pa malamang destinasyon.  Nagsasagawa na ng followup operations ang mga awtoridad sa kasong ito upang ligtas na mabawi ang mga bihag.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CAMP CRAME

JOSELITO GONZALES

KAN ISLAM

REMIGIO LINGA

SITIO BAUNOH

TAMARAW

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with