^

Probinsiya

Explosion: Sundalo patay, 3 pa sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - -Isang sundalo ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan kabilang ang isang batang opisyal makaraang sumabog ang bomba na itinanim ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters  (BIFF) nitong Huwebes ng hapon sa Datu Unsay, Maguindanao.

Kinilala ang nasawing biktima na si Private First Class Tahibe na siyang nagmamaneho ng military vehicle na nasabugan ng Improvised Explosive Device (IED) na itinanim sa kalsada ng BIFF rebels.

Isinugod naman sa Camp Siongco Hospital ang mga sugatang sina Lt. Lemuel Manicdo, Technical Sergeant Pio Hunuldang at Corporal Joel Kanseran.  Ang mga biktima ay pa­wang miyembro ng Army’s 45th Infantry Battalion (IB).

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Dickson Hermoso, bandang alas-12:45 ng hapon habang pabalik na ang mga sundalo sa kanilang himpilan  galing sa civil military operations sa Camp Omar nang sumabog ang Improvised Explosive Device (IED) habang buma­bagtas ang military vehicle ng mga ito sa Brgy. Maitumanig, Datu Unsay.

Ang sumabog na IED ay gawa sa 81 MM millimeter mortar shell kung saan napuruhan sa insidente si Tahibe.

Agad namang nagsa­gawa ng hot pursuit ope­rations ang pinagsanib na elemento ng 45th IB at 1st Mechanized Battalion at nakasagupa ang grupo ng BIFF sa pamumuno ng isang alyas Bongos sa Brgy. Meta ng bayang ito.

Nagkaroon ng halos isang oras na bakbakan na ikinasawi ng dalawang BIFF rebels habang mabilis namang umatras sa sagupaan ang mga kalaban bitbit ang mga nasugatan sa kanilang panig. Patuloy ang hot pursuit operations laban sa BIFF rebels.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BRGY

CAMP OMAR

CAMP SIONGCO HOSPITAL

CORPORAL JOEL KANSERAN

DATU UNSAY

DICKSON HERMOSO

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with