Tsinoy trader, 2 pa kinidnap ng mga armado
MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Filpino-Chinese kasama ang kanyang anak na lalaki at isa pang kaanak ang pinasok sa kanilang bahay at dinukot umano ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Chinese Pier, Bongao, Tawi-Tawi, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat na tinanggap ni Marine Battalion Landing Team (MBLT) 5 Commander Col. Ruben Recito, kinilala ang mga binihag na sina Joseph Bani, 49 ; anak nitong si Josua, 21, at kaanak na si Hajan Terong, 51 taong gulang.
Nabatid na napilitan nang dumulog kahapon ang misis ni Terong na si Elizabeth dahil sa takot na saktan ng mga kidnaper ang kanyang mag-ama at isang kamag-anak nito.
Noong una ay nag-alinlangan umano si Elizabeth na i-report ang naganap na pagdukot dahil nag-aalala siya sa posibleng gawin ng mga kidnapper sa tatlong bihag.
Sa salaysay ng ginang naganap ang pagdukot sa mga biktima noon pang Lunes matapos na pasukin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang tahanan sa Brgy. Chinese Pier.
Sa kasalukuyan ay hindi pa kumokontak ang mga kidnapper sa pamilya ng mga bihag para sa posibilidad na mangÂhingi ng ransom.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.
- Latest