Mag-aama tiklo sa fake na dolyares
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng mag-aama makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pagpapakalat ng mga pekeng dolyares at iba pang foreign currencies sa Barangay Macugay, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa. 
Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr. ang mga suspek na sina Erick Turaray, anak na sina Richard Turaray, at si Jerome Turaray.
 Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng Cagayan Regional Trial Court. 
Nabatid na ang mga pekeng pera ay ibinagsak sa mag-aama ng isang supplier mula sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija. 
Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng pera mula sa Saudi Arabia, Japan, Iraq, America na pawang huwad.
- Latest