^

Probinsiya

P3-M ransom bigay ng trader sa Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagbayad ng P3 milyong ransom sa mga bandidong Abu Sayyaf ang pamilya ng negosyanteng kidnap victim na pinalaya at inihatid pa sa Jolo airport, Sulu kamaka­lawa. Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade, nagbigay ng malaking halaga ang mister ng kidnap victim na si Sugar Diane Buenviaje at isang hindi kilalang kasama nito sa Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng negosyante. Bandang alas – 5 ng umaga kahapon nang abandonahin ng mga kidnaper ang bihag na si Dianne sa nasabing paliparan. Ang biktima ay halos 4-buwang bihag ng grupo nina Anguh Adji, Mudjakal Bagadi at Mahmur Jupuri matapos na dukutin sa bayan ng Mapun, Tawi-Tawi noong Pebrero 2014. Samantala, isinailalim naman sa stress debriefing at medical examination ang negosyante bago ito pinahintulutang bumalik sa kaniyang pamilya.

 

ABU SAYYAF

ANGUH ADJI

BANDANG

DIANNE

MAHMUR JUPURI

MARINE BRIGADE

MARTIN PINTO

MUDJAKAL BAGADI

SUGAR DIANE BUENVIAJE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with