Mayor, 2 pa utas sa ambush
MANILA, Philippines - Napaslang ang beteranong alkalde ng bayan ng Laak, Compostela Valley at dalawang lalaki makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy ng lokal na opisyal sa kahabaan ng highway sa bayan ng Asuncion, Davao del Norte kahapon ng umaga.
Sa phone interview, kinilala ni Captain Ernest Carolina, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division ang napaslang na si Mayor Reynaldo Navarro na sinasabing naisugod pa sa Tagum City Hospital.
Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na armadong lalaki na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan matapos ang pananambang.
Sa inisyal na imbestigasÂyon, lumilitaw na bumabagtas sa highway ng K9 sa Barangay Sagayen ang convoy ng alkalde nang tambangan ng anim na armadong kalalakihan bandang alas-9 ng umaga.
Nabatid sa opisyal na paÂwang armado ng M4 Garand rifle ang gunmen na lulan ng tatlong motorsiklo na nag-abang sa convoy ni Mayor Navarro.
Nagawa namang makiÂpagpalitan ng putok ang mga security escort ng alkalde at napatay ang dalawang gunmen.
Kasalukuyang bineberipika ng mga awtoridad kung may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army o ang mga kalaban sa pulitika ng alkalde sa naganap na pananambang.
Nabatid pa sa opisyal na dalawang linggo bago ang pananambang ay nakatanggap ng death threat si Mayor Navarro mula sa mga rebeldeng NPA na nag-aakusa na protektor ng illegal logging ang nasabing mayor.
- Latest