^

Probinsiya

Mag-ama niratrat ng mag-utol

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   - Malubhang nasugatan ang mag-ama makaraang tambangan ng mag-utol  dahil sa matin­ding away sa lupa, kama­kalawa ng umaga sa Barangay Caigdal, bayan ng Unisan, Quezon.

Naisugod sa Gumaca District Hospital ang mag-amang sina Angel Tano, 48; at Mark John Tano, 11, kapwa nakatira sa Barangay Cabulihan, bayan ng Pitogo,Quezon.

Pinaghahanap ng pulis­ya ang mag-utol na suspek na sina Villaning Tano at Consiano Tano na kapwa utol ni Angel.

Lumilitaw na magde-deliver sana ng mga pro­duktong petroleum sa Barangay Poblacion ang mag-ama kasama ang tatlo pa nitong kamag-anak lulan ng multicab nang ratratin ng mag-utol na lulan ng motorsiklo pagsapit sa kurbadang kalsada.    

Nakaligtas naman ang tatlong iba pang sakay ng multicab at tanging ang mag-ama lamang ang napuruhan.

Sa tala ang pulisya, noong nakalipas na buwan ay nakaligtas na rin si Angel sa tangkang pagpatay sa kanya ng mga suspek kung saan kinasuhan niya ang mga ito.

 

vuukle comment

ANGEL TANO

BARANGAY CABULIHAN

BARANGAY CAIGDAL

BARANGAY POBLACION

CONSIANO TANO

GUMACA DISTRICT HOSPITAL

MAG

MARK JOHN TANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with